ARESTADO | Lalaki, nakuhaan ng baril at shabu sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos makuhaan ng baril at ilang pakete ng shabu sa Hermosa Street, Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Adrian Nambito, 31-anyos at residente ng Balut, Tondo.

Ayon kay Senior Inspector Val Valencia, hepe ng Hermosa community precinct, nagsasagawa sila ng anti-criminality operation nang mapansin ang isang lalaking nagaayos ng motorsiklo na may nakasukbit na baril.


Dito na aniya nila hinanapan ng dokumento ang suspek pero wala itong naipakita.

Nang inspeksyunin naman ang sling bag nito, dito na kita ang sampung bulto ng shabu at isang replika ng granada.

Samantala, inaresto rin ang isang alyas Mommy Rose na tinangkang suhulan ng P20,000 ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng suspek na nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments