SUNOG | BFP Di Nagsasawang Magpa-alala!

Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection sa publiko matapos magkasunog sa isang parte ng bundok sa Labrador, Pangasinan. Sa isang panayam, tinukoy ng BFP Labrador ang mga sanhi ng insidente sa lugar. Ito ay maaaring sinadya umano na tapunan ng bagay na may apoy ang mga tuyong damo. Isa ring dahilan umano ay ang mga nag-uuling na madalas magpunta sa lugar. Nataon sa tag-init ang sunog kaya mas madaling kumalat ang apoy sa mga tuyong damo.

Sa kanilang pagresponde, inabot ng walong oras bago tuluyang naapula ang apoy. Hirap na iakyat ng mga fire marshalls ang mga gamit pang-apula dahil na rin sa taas ng nasusunog na parte.

Sa kabilang banda, naalarma ang mga residente na naninirahan sa may paanan ng bundok, nang matagal bago naapula ang sunog. Alas tres ng umaga nag ideklara ng BFP Labrador na ‘fire out’ at safe na ang lugar.


Ulat ni Geannie Victorio

Facebook Comments