SUNOG | Eskwelahan sa Iligan City, nasunog; Opisina ng NBI, nadamay

96

Iligan City – Tinatayang aabot sa isang milyong piso ang halaga ng natupok sa sunog na nangyari sa Sto. Niño Academy sa Barangay Palao, sa Iligan City.

Sa nasabing insidente, nadamay ang opisina ni National Bureau of Investigation (NBI) Chief Atty. Abduljamal Dimaporo kung saan nasunog ang iba nitong papels at dokumento na nagsisibling ebidensiya.

Wala naman nasaktan o nasugatan sa sunog dahil kakaunti lang ang mga estudyante at guro ng mga oras na iyon dahil sa maagang kinansela ang klase dulot ng Bagyong Basyang.

Inimbestigahan naman na ng Bureau of Fire Protection kung saan at ano ang pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments