SUNOG | Isang catholic school, tinupok ng apoy sa Negros Occidental

Negros Occidental – Aabot sa 11 milyong pisong halaga ng mga gamit ang natupok ng apoy sa isang Catholic High School sa bayan ng Binalbagan sa Negros Occidental.

Ayon kay Binalbagan Municipal Fire Station Fire Officer 03 Jonathan Bernardez, nilamon ng apoy ang buong two-storey building ng San Blas Academy, Inc. sa Barangay Payao.

Aniya, naabo ang lahat ng mga aklat sa buong library ng private school sa ikalawang palapag ng building.


Masuwerte namang mayroong fire wall ang computer room sa ground floor kaya at hindi ito napasok ng apoy at hindi rin nadamay ang katabing school buildings at ang simbahan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog pero hindi inaaalis ang posibilidad na ito ay sanhi ng electrical in nature.

Facebook Comments