Cauayan City, Isabela- Karamihan sa mga nangyayaring sunog sa Lalawigan ng Isabela ay nangyayari sa mga residential area.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni SFO2 Jefferson Ventura, BFP Provincial Chief for Operations sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
Aniya, simula noong buwan ng Enero 2020 hanggang ngayong buwan ng Marso ay mayroon ng 14 na naitalang sunog kabilang na ang dalawang insidente ng grassfire.
Sa taong 2019 ay mayroong kabuuang 115 ang naitalang sunog sa buong Lalawigan ng Isabela.
Nagsisimula aniya ang sunog dahil sa mga napapabayaang kuryente o napabayaang nakabukas na LPG.
Dahil dito, kailangan aniya ang regular na pag check sa mga wires upang malaman kung ligtas pa itong gamitin o di kaya’y wala pang sira.
Kaugnay nito, lalong pinaigting ng BFP Isabela ang pag-inspeksyon sa mga residential area upang masuri ang mga bahay at mabigyan ng paalala ang mga residente na kadalasan umanong nagpapabaya.