Friday, January 16, 2026

Sunog na sumiklab sa Barangay Capri, Novaliches, Quezon City, fire out na

Hindi na kumalat pa ang sunog na sumiklab sa Novaliches, Quezon City.

Naireport ang sunog bandang alas-8:43 kaninang umaga na tumupok sa isang bahay sa Area 6, Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City.

Umabot ito sa unang alarma at bandang alas-9:41 ng umaga ay idineklara nang fire under control.

Kaniya-kaniyang salba ng gamit ang mga residente sa pangambang kumalat pa ang apoy.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

Facebook Comments