Sunog na sumiklab sa isang condominium sa Binondo, Maynila – undercontrol na

Manila, Philippines – Undercontrol na ang sunog na sumiklab sa ika-8 palapag na pagmamay-ari ng Filipino Chinese ng Binondo Plaza sa Alvardo St., Binondo, Maynila na nagsimula bandang 11:49 ng umaga.

Agad na itinaas ng BFP ang ikalimang alarma dahil sa laki ng sunog sa Binondo Terrace Condominium.

Ayon sa building administrator na si Noel Gintalan, nagsimula ang sunog sa unit 805 matapos mapabayaan ng mag-inang nakatira ang niluluto.


Kumalat ang apoy sa ikapito at ika-siyam na palapag.

Agad na pinababa ang nasa 5 libong residente pero marami ang natrap sa makapal na usok.

May mga nagwagayway ng puting tela para humingi ng saklolo.

Makalipas ang ilang sandali, isa-isang inilabas ng mga bumbero ang mga bata at matatanda.
Idiniretso sila sa ambulansya para bigyan ng first aid.

Umabot sa higit 10 bata at matanda ang nailigtas, nailigtas din ang lalaking nagwagayway ng puting tela.

Nagalit naman kanina ang mga bumbero dahil ilang oras na ang nangyayari ang sunog pero nakakandado ang mga unit kaya hindi nila mapasok at maapula ang apoy.

Sa ngayon ay under control na ang naturang sunog at patuloy pa rin inaalam kung mayroong pang mga natrap sa naturang condominium.

Facebook Comments