2 heavy equipments sinunog sa Brgy. Mapawa, Surigao City

2 heavy equipments sinunog sa Brgy. Mapawa, Surigao City. Panibagong panununog sa heavy equipments ang nangyari sa Brgy. Mapawa, Surigao City. Ang mga napinsala ang kinabibilangan ng isang backhoe at compactor na pagmamay-ari ng New Philipi Mines. Ayon kay 2nd Lt. Jonel Castillo, ang Spokesman ng 30IB Phil Army,umaabot sa 15 armadong lalaki na pinaghihinalaang New People’s Army ang umatake sa naturang barangay na kung saan maliban sa panununog, kinuha rin ang iilang gadgets, personal na gamit at armas ng mga Security Guard. Matapos isagawa ang krimen, tumakas kaagad ang mga salarin. Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Phil Army laban sa mga suspek. Base sa rekord, ngayong taon ito na ang ikalimang nangyaring panununog ng heavy equipments sa Surigao Del Norte.

Facebook Comments