Sunog na sumiklab sa Talayan Village sa QC, umakyat na sa ikalimang alarma

Quezon City – Umabot na sa ikalimang alarma ang sunog sa Talayan Village, Barangay Palanan sa Quezon City.

Pawang gawa sa mga light materials at magkakadikit ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.

May pagkakataon na humihina na ang apoy pero dahil sa lakas ng hangin, ilang minuto pa kumakalat pa ang apoy sa iba pang bahay.


Sa kasagsagan ng sunog, sunod-sunod namang narinig ang mga pagsabog ng mga LPG.

Alas nueva ng umaga nang magsimula ang sunog at wala pang isang oras ay tinaas na agad sa ikalimang alarma ang estado ng sunog.

Kanya-kanya namang hakot ng mga gamit ang mga residente at itinambak ito sa gilit ng creek o kaya naman sa kalsada.

Dahil dito, nahirapan din makapasok ang mga fire truck lalo’t sobrang sikip ng mga kalsada.

Inaalam pa ang sanhi ng apoy, pero base kwento ng mga residente isang adik anila ang nagsunog ng isa sa mga bahay hanggang sa ito ay kumalat na.

Facebook Comments