TRUCK NA MAY KARGANG WATER MELON INAMBUSH NG NPA SA SURIGAO DEL SUR

Sugatan ang dalawang civilian ng inambush kagabi ng kasapi ng Guerilla Front 19B ng NPA ang elf truck na may kargang water melon sa may boundary ng Brgy. Santo Niño, San Agustin, Surigao del Sur.

Kinilala ni Col. Franco Nemesio Gacal, 402nd Infantry Brigade Commander sa Phil. Army ang dalawang sugatang civilian na sakay sa elf truck na sina Joel Cellares at Silva Medrano, kapwa nakatira sa Butuan City at patuloy na ginagamot ngayon sa hospital.

Ayon sa opisyal, tinambangan ng mga rebelde ang elf truck ng dumaan ito sa lugar at pinasabugan pa ng IED.


Nagroad blockage pa sa Barangay Antipolo, Marihatag, Surigao del Sur at nagsunog ng gulong.

Dali namang inamin ni Ka Amihan ang tagapagsalita ng NPA ang nangyaring ambush, pero sinabi nito nagkamali ang kanyang mga kasamahan dahil ang target talaga ay ang tropa ng PNP at AFP.

​

Facebook Comments