Sunog, naitala sa Caloocan at Tondo kaninang madaling araw

Isang sunog ang sumiklab kaninang madaling araw sa Gagalangin, Tondo.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog ala-una trenta’y nuwebe kaninang madaling araw.

Agad din naman itong naapula bago mag alas-dos ng umaga.


Bago niyan, nagkasunog din sa 4th avenue Caloocan City pasado alas-dose ng hatinggabi kung saan agad din itong naapula makalipas ang ilang minuto.

Wala namang napaulat na nasakatan o nasawi sa magkahiwalay na insidente.

Facebook Comments