Sunog Sa Asin Road!

Baguio, Philippines – Kapag iniwan, minsan dapat balikan.

Isang sunog sa Asin Road, San Luis Barangay ang naganap bandang alas dos ng umaga kanina.

Napag-alaman na nagsindi ng kandila ang isang residente para ipagdiwang ang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang nanay pero naiwan ito at iyon ang nagdulot ng pagkatupok ng bahay.


Dumating ang mga bumbero at bandang 3:30 ng umaga naapula ang sunog.

Dumating din ang BENECO (Benguet Electric Cooperative, Inc.) dahil sa nadamay ang mga linya ng kuryente dahilan ng pagkawala ng kuryente sa kalapit na lugar.

Ano sa palagay nyo?

Facebook Comments