Manila, Philippines – Nakatakdang imbestigahan sa Senado ang nangyaring sunog sa Bureau of Customs (BOC) noong Biyernes.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, kaduda-duda ang nangyaring sunog lalo at nahaharap sa kontrobersyal ang BOC.
Aniya, hindi rin kapani-paniwala na sumiklab ang apoy dahil sa kandila gayung hindi naman ito kailangan sa opisina.
Sabi ni Gordon, sa ngayon kumakalap na sila ng mga impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at sa BOC.
Facebook Comments