Sunog sa isang bodega sa Davao City, patuloy na iniimbestigahan

Davao City – Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung ano ang sanhi at kung magkano ang pinsala ng nasunog na bodega sa Davao City kahapon.

Naganap ang sunog sa Lapu-Lapu Street, pasado alas-tres ng hapon kung saan tinupok ng apoy ang bodega ng spare parts ng mga sasakyan.

Sinabi ng guwardya ng bodega, bigla na lamang umanong umusok ang gitnang bahagi nnito kaya tumawag agad ito sa 911.


Pahirapan pa ang pagresponde dahil sa sarado ang naturang bodega na pagmamay-ari daw ng isang negosyanteng Chinese national.

Makalipas naman ang isang oras nang ideklarang fire-out ng mga bumbero ang insidente kaya’t wala nang nadamay pa na katabing bulding nito.

Facebook Comments