Sunog sa Malabon City, nanatili sa ikalimang alarma

Manila, Philippines – Nanatiling nasa ikalimang alarma ang estado ng sunog sa Malabon City particular sa Herrera st. Brgy Dulong Ibaba.

Ayon sa Malabon Fire Department, sobrang sikip ng kalsada sa lokasyon ng sunog kayat nahirapan pumasok ang mga fire truck habang mabilis na kumakalat ang apoy.

Para makatulong sa pag-apula ng apoy naghakot na ng tubig baha ang mga residente at inilalagay sa mga fire truck na direktang ibinubuga sa apektadong bahay.


Kahit paano nakatulong ang patuloy na pag buhos ng ulan pero pasakit naman ito sa mga residente na basang basa habang lumikas bitbit ang mga mahahalagang gamit at mga papeles.

Facebook Comments