GENERAL TRIAS, CAVITE – Patuloy pa ring inaapula ng mga bombero ang sunog sa tatlong palapag na pabrika ng House Technologies Industries (HTI) sa EPZA, General Trias, Cavite.Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang ala-6:00 kagabi na umakyat sa task force delta.Alas-2:30 kaninang madaling araw ng ideklara itong fire under control.Sa inisyal na impormasyon mula sa Philippine Red Cross, umabot na sa 155 ang nasugatan kabilang dito ang 57 dinala sa divine grace medical center habang ang iba ay isinugod sa General Trias medical center.Hanggang sa ngayon hindi pa natutukoy ng arson investigator kung saan nagsimula ang pagsiklab ng apoy sa hti building na pagawaan umano ng kahoy na pang-construction at styropor na ini-export sa Japan.Hindi rin masabi ng mga otoridad kung may mga natrap na manggagawa sa ikatlong palapag lalo pa’t nagsimula ang sunog sa second floor ng gusali.
Sunog Sa Pabrika Ng House Technologies Industries, Patuloy Pa Ring Inaapula
Facebook Comments