Dalawampong kabahayan ang nilamon ng apoy sa isang sunog na naganap sa E. Santos Barangay Palatiw Pasig City ngayong umaga.
Ayon kay Pasig City Fire Marshal Supt. Aristotle Pañaga, nagsimula ang sunog alas 7:49 ng umaga.
Mabilis aniyang kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na pawang yari sa light materials.
Aminado ang BFP na nahirapan silang makapasok dahil sa maliliit ng mga eskinita.
Inaalam pa kung kaninong bahay ang pinagmulan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Wala namang nasaktan sa nabanggit na sunog na tuluyang naapula alas 10:40 ng umaga kung saan inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at magkano ang halaga ng tinupok na apoy.
Facebook Comments