Puting Van na kumukuha ng bata- Walang Katotohanan!

93

Walang pormal na reklamo sa alin mang himpilan ng pulisya dito sa lungsod tungkol sa mga nawawalang mga indibidwal tulad ng mga nangyayari sa Pasay city.
Sa panayam ng DXMY kay Cotabato City Police Office Dir. Sr. Supt. Portia Manalad, walang formal complaint na natatanggap ang mga police station sa syudad hinggil sa kahalintulad na insidente.
Kung walang pormal na reklamo ay walang ganitong pangyayari sa lungsod iginiit pa ni Col. Manalad.
Subalit hinihikayat ng opisyal na dumulog kaagad sa pulisya kung nakaranas o makaranas nito upang maaksyunan, maimbestigahan at magkaroon sila ng lead kung sino ang nasa likod nito.
Una rito nag-trending sa social media ang pagkakawala ng ilang mga teenager sa Pasay city kung saan sinasabing pilit silang isinasakay sa puting van, may isang insidente na nakunan pa ng CCTV na ngayon ay trending na sa social media.(Daisy Mangod)
CCTO Pic

Facebook Comments

From Advertisers