Sunog sa San Juan City – dineklara ng fireout

San Juan City – Fire out na ang sunog na sumiklab sa isang commercial-residential area sa bahagi ng Aurora Boulevard at A. Lake street sa Barangay Salapan, San Juan City.

Nagsimula ang sunog ala 1:05 kaninang hapon sa gusali na umano’y pagmamay-ari ni San Juan City Councilor William Go.

Umabot hanggang ikaapat na alarma ang sunog na naapula bandang ala 1:43.


Nagdulot naman ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nangyaring sunog partikular sa bahagi ng Aurora Boulevard.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang totoong sanhi at danyos ng sunog.

Facebook Comments