Sunog sa Valenzuela City, naapula na

12:02pm kanina nang idineklarang fire out  ng Bureau of Fire Protection ang sunog na nagsimula kaninang alas-diyes ng umaga sa Sitio Libis sa Valenzuela .

 

Sa initial estimate ng BFP, aabot sa 50 na bahay ang natupok ng apoy at 100 pamilya ang naapektuhan.

 

Naging pahirapan sa mga bumbero ang pag apula ng apoy dahil sa makikipot na kalsada at dahil na rin sa gawa sa light material ang mga bahay.


 

33 na firetruck na galing sa ibat ibang lungsod at organization ang rumesponde sa naturang sunog.

 

Isa ang naitalang nasaktan sa nangyaring sunog.

 

Sa kasagsagan ng sunog ay agad na sinuspinde ang pasok sa Antonio M. Serafico Elementary School sa takot na baka umabot ang apoy sa paaralan.

 

Sa ngayon ay inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng mga ari-arian na naabo.

 

Magsisilbi munang evacuation center ng mga nasunugan ang  nasabing paaralan.

Facebook Comments