Sunog sa Villaruel St. Tondo, Manila nitong Linggo ng umaga, umabot sa ikalawang alarma

Nasunog ang ilang kabayahan sa bahagi ng Villaruel St. sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-sais ng umaga.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklara ang fireout bago mag-alas siyete ng umaga.


Nasa tatlong bahay ang nadamay sa sunog kung saan dalawa ang tuluyang natupok ng apoy.

Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang sanhi ng sunog.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente.

Facebook Comments