Manila, Philippines – Walang nasaktan sa sunog na sumiklab kaninang alas-12:55 ng tanghali sa ika-anim na palapag ng gusali ng National Children’ns Hospital.
Ayon kay Dra. Efifania Simbul ang direktor ng nasabing ospital , nagkaroon lamang ng makapal na usok at kalaunan nagliyab ang exhaust pipe na labas ng gusali sa ika-anim ng palapag.
Wala naman aniya silang pasyenteng inilikas dahil sa insidente.
Mga temporary clinic ng Out Patient Department (OPD) ng ospital ang nasa ika-anim palapag kung kayat napilitan silang pababain ang mahigit kumulang sa dalawampung outpatient na nagpapakunsulta.
Inihayag pa ng pinuno ng ospital na tinatayang nasa mahigit kumulang na isang daang libong piso ang napinsalang ari-arian sa sunog.
Hinihinala nilang sa koneksiyon ng kuryente ang sanhi ng apoy pero nag-iimbistiga pa ang mga arson investigator.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at tuluyang naapula pasado alas-dos ng hapon.