Sumiklab ang sunog sa isang chapel ng San Carlos City Cemetery sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan kaninang tanghali.
Ayon kay PLTCOL. Gerie Noel Pascua, OIC ng San Carlos police station na ang sunog umano ay nagsimula matapos ang misang isinagawa sa naturang chapel na ang dahilan ay pinagpatong patong na kandila na sabay sabay sinindihan.
Hindi umano inaasahan ng mga tao na ganuon na lamang ang mangyayari na mabilis kumalat ang apoy sa chapel dahil gawa ang bubong nito sa light material.
Inabot naman ng trenta minuto bago naapula ang apoy na agad narespodehan ng nakaantabay na fire truck.
Tinitignan ngayon ng BFP San Carlos kung may kapabayaan sa panig ng pamunuan ng naturang sementeryo.
Samantala, naging matiwasay naman umano ang pagbisita ng mga tao sa sementeryo ngayong araw.
Wala din umanong pasaway na nagdala ng mga matutulis o mga pinagbabawal na kagamitan sa sementeryo dahil nabigyan na umano ng paalala ang mga tao bago pa sumapit ang undas.
Sa ngayon ay magpapatuloy ang full alert status ng pulisya hanggang November 3 araw ng linggo.
Sunog sumiklab sa isang chapel ng sementeryo sa Pangasinan
Facebook Comments