Friday, January 16, 2026

Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Sta. Teresita, Quezon City

Kasalukuyang nasusunog ang isang residential area sa Kanlaon corner Cuenco St., Barangay Sta. Teresita, Quezon City.

Nai-report ang sunog sa Bureau of Fire Protection- Quezon City (BFP-QC), bandang 1:18 pm at dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan, agad na kumalat ang apoy at itinaas ito sa ikalawang alarma bandang 1:32.

Sarado muna ang Kanlaon corner Cuenco St. para bigyang daan ang pagresponde ng mga bumbero sa lugar.

Facebook Comments