Sunshine Dizon, wala ng planong maghanap ng panibagong lovelife

Showbiz – Wala daw plano ngayon ang aktres na si Sunshine Dizon na maghanap o magkaroon muli ng panibagong relasyon.

Sa mahigit isang taon pagkakahiwalay sa dati ntong asawa na si Timothy Tan, inamin ng aktres na 100 percent na siyang naka-move on.

Sinaib pa ng aktres na bagamat wala na silang problema sa isa’t-isa maging sa karapatan sa kanilang anak, hindi na daw niya nakikita na magkakabalikan pa sila ng dating asawa.


Sa ngayon, todo tutok si Sunshine sa trabaho at very thankful naman ito sa tumatangkilik sa kanilang dramaserye sa hapon na mapapanood sa Kapuso Network.

Facebook Comments