Problema sa mga visa ng 2 bagong hugot na players ng Philippine Team, naayos na; Chot Reyes, nakahinga ng maluwag

Manila, Philippines – Nakahinga ng maluwag si Coach Chot Reyes matapos maayos ang naging problema sa visa ng mga bago nitong hugot na players na sin Rod Ebondo at Isaiah Austin.

Nabatid na pumunta pa ng Hong Kong kahapon ang 7-foot-1 na player si Austin para ayusin ang mga kakailanganing dokumento habang wala namang naging problema si Ebondo.

Dahil dito ay tuloy-tuloy na ang pagsabak ng Philippine Team sa FIBA Asia Champions Cup sa Chenzhou, China.


Bukas na ang opening ng tournament kung saan haharapin ng koponan ng bansa ang team ng Kazakhstan.

Facebook Comments