Sunud-sunod na shutdown ng mga power plants sa Luzon grid, iimbestigahan ng Mababang Kapulungan

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Mababang Kapulunganang nangyaring sunud-sunod na shutdown ng mga power plants sa Luzon grid nitongmga nakalipas na buwan.
 
  Sa House Resolution 928 na inihain ni Bayan Muna Rep.Carlos Isagani Zarate, inaatasan nito ang House Committee on Energy napangunahan ang pagsisiyasat.
 
  Pinasisilip ni Zarate ang lawak ng idinulot ngmaintenance at extended shutdown ng mga planta matapos ang nangyaring lindol saBatangas at ilang mga lugar sa Luzon.
 
  Itinuturo kasi ng DOE at ng National Grid Corporation nadahil sa nangyaring lindol ay naapektuhan ang ilang mga planta kaya kinailangani-shutdown ang mga ito bunsod ng pagnipis ng supply at pagtaas ng demand sakuryente.
 
  Pero bago pa man ang lindol ay may mga nangyari ngmaintenance shutdown ng mga powerplants kabilang dito ang Malampaya, CalacaUnit1 at Quezon Power noong Enero hanggang Pebrero.
 
  Sinundan pa ito ng mga unexpected shutdown ng Sual 1, SanGabriel, Kalayaan Unit 2 at hiniritan pa ng extended shutdown bunsod ng yellowalert sa suplay ng kuryente ng Calaca Unit 1, Malaya Unit 1, Quezon Power,Masinloc Unit 2, GN Power Unit 2, Calaca 2 at Sta. Rita Module 10;
 
  Sa kabuuan ay nasa 20 power plants ang sabay-sabay nanagshutdown ngayong pagpasok ng summer dahilan ng mataas nanamang singil sakuryente.
 
  Ang singil sa kuryente bawat kilowatthour batay saWholesale Electricity Spot Market (WESM) ay tumaas ng P10-32.00 mula nitongApril 12 mula sa dating rate na P2 hanggang 3 bawat kwh.

Facebook Comments