Supensyon ng face-to-face sa elementary at high school sa Maynila extended hanggang May 3

Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na suspendido pa rin hanggang Biyernes, May 3 ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ito ay para sa elementary hanggang high school kabilang ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM).

Inaasahan kasing papalo pa rin sa 45 degrees celsius na pasok sa danger level ang heat index sa lungsod hanggang sa mga susunod na araw.


Dahil dito, inatasan ang public schools na lumipat sa alternative mode of learning.

Nasa mga pribadong paaralan at mga higher education institutions naman ang desisyon kung sususpendihin na rin nila ang face-to-face classes.

Facebook Comments