Inirekomenda ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Labor and Deployment (DOLE) na bawiin ang temporary suspension ng deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel.
Ayon kay DOLE Information and Publication Service Director Rolly Francia, malaking ginhawa ito sa mga OFWs na nakatakdang umalis patungo sa naturang bansa.
Nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kopya ng kautusan na nagtatanggal ng suspensyon.
Matatandaang ipinatigil ng DOLE ang pagpapadala ng OFWs sa Israel sa mataas na tensyon bunga ng bakbakan sa pagitan ng Israeli forces at Hamas fighters.
Sa ngayon, aabot sa 30,000 OFWs ang nasa Israel.
Facebook Comments