‘Super Inggo’ star Makisig Morales, kasal na

593
Courtesy IG/Makisig Morales

Ikinasal na ang dating child actor na si Makisig Morales sa kaniyang Filipino-Australian beauty queen girlfriend na si Nicole Joson.

Sa isang intimate sunset ceremony sa La Perouse, Sydney napili ng dalawa na magpalitan ng “I do’s”.


Kinumpirma naman ito ni Morales sa kanyang Instagram kung saan nagbahagi siya ng kanilang wedding photo at Bible verse tungkol sa mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

“Husbands, love your wives, as Christ loved the church and gave himself up for her, that he might sanctify her, having cleansed her by the washing of water with the word, so that he might present the church to himself in splendor, without spot or wrinkle or any such thing, that she might be holy and without blemish. In the same way husbands should love their wives as their own bodies. He who loves his wife loves himself. For no one ever hated his own flesh, but nourishes and cherishes it, just as Christ does the church, …” -Ephesians 5:25-33 I did not look for love, but instead love found me and brought me back to him. 👆I am grateful to be your other half my love. I love you @_nicolejoson_ ❤️😍 💏 #Blessed #Grateful

A post shared by Makisig Morales (@makisig228) on

“I did not look for love, but instead love found me and brought me back to him. I am grateful to be your other half my love. I love you,” ani Morales para kay Joson sa caption.

Sa isang panayam naman, sinabi ng aktor na walang isyu ang maaga niyang pagpapakasal.

“Bakit mo pa patatagalin ang pagiging mag boyfriend or girlfriend kung doon din naman hahantong sa kasalan?,” ani Morales, ito ang naging payo ng kanyang ama.

“Minsan kasi nabubulag tayo na siya na yung blessing na binigay ni Lord pero hindi pa natin nakikita,” dagdag niya.

Nakilala ang 22-anyos na aktor sa fantaseryeng “Super Inggo.”

2018 nang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Facebook Comments

From Advertisers