Arkansas – Super mom talagang matatawag ang isang nanay sa Arkansas matapos niyang mag-isang itayo ang kanilang bahay sa pamamagitan lang ng youtube tutorials.
Dumaan sa dalawang failed marriage ang super mom na si Cara Brookins bago niya maisipang mag-isang itaguyod ang kanyang apat na anak.
Pero kinailangan niya munang magpagawa ng bahay para sa kanilang mag-anak kaya lang wala siyang sapat na pera para kumuha ng mga karpintero.
Dahil dito, simula noong taong 2008 magdamag na siyang nanood ng youtube at pinag-aralan kung paano gagawin ang kanilang dream house.
Katuwang niya rin sa paggawa ng kanilang home sweet home ang kanyang mga anak na pawang mga bata pa.
Tinawag nilang inkwell manor ang 3,500-square-foot-house na mayroong limang bedroom at isang library.