SUPER POWERS | 9-anyos na batang lalaki sa India, kayang magpailaw ng bumbilya

India – Literal na may liwanag ang buhay para sa isang 9-year-old na batang lalaki sa Kerala, India.

Hindi na kasi kailangan pang i-charge ang kanilang mga led light bulb sa bahay dahil siguradong iilaw ito basta hawakan lang ng batang si Abu Thahir.

Ayon sa ama nito na si Nizar na isang electrician, nadiskubre niya ang tila super powers ng anak nang ipahawak niya rito ang isang bumbilya.


Sa pag-aakala na ginu-good time lang siya nito, muli siyang kumuha ng bumbilya at idinikit sa katawan ng anak, pero laking gulat niya na umiilaw talaga ito.

Dahil dito, instant social media celebrity si Thahir matapos na pumalo na sa libo-libo ang views ng kanyang video.

Bagama’t inaalam pa kung tunay ito, ayon sa mga eksperto, posibleng mangyari ito dahil pwedeng mataas ang salt content ng katawan ng bata dahilan para maging electricity conductor.

Facebook Comments