Super Typhoon Henry, napanatili ang lakas habang papalapit ng bansa; Bagyong Gardo, inaasahang hahatakin nito

Napanatili ng Super Typhoon Henry ang lakas nito habang patuloy ang pagkilos papalapit ng bansa.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 530 kilometro east northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng Bagyong Henry ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na may lakas na 230 kilometro kada oras.


Kumikilos ito pa-timog kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Samantala, inaasahang hahatakin ng Bagyong Henry ang Bagyong Gardo na nasa bahagi rin ng karagatan ng Hilagang Luzon.

Huling namataan ang Bagyong Gardo sa layong 885 kilometro east northeast ng Extreme Northern Luzon at may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 70 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 45 kilometro kada oras at hihina na rin bilang isang Low Pressure Area sa loob nang 12 oras.

Facebook Comments