Super Typhoon “Karding” lalo pang lumakas; TCWS No. 5 itinaas na sa Polillo island at northern portion ng Quezon

Lalo pang lumakas ang Super Typhoon “Karding” habang kumikilos patungo sa northern portion ng Quezon at southern portion ng Aurora kung saan ito inaasahang magla-landfall.

Huli itong namataan sa layong 175 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.

Kumikilos pa rin ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.


Taglay ng super typhoon ang lakas ng hanging aabot sa 195 km/h at pagbugsong hanggang 240 km/h.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 5 sa:

 Polillo Island
 extreme northern portion ng Quezon (partikular ang hilaga at gitnang bahagi ng General Nakar at northeastern portion ng Infanta).

Signal number 4 naman sa mga sumusunod na lugar:

 Calaguas Islands
 Southern portion of Aurora (San Luis, Dingalan, Baler, Maria Aurora)
 northern portion of Quezon (nalalabing bahagi ng General Nakar, nalalabing bahagi ng Infanta, Real)
 southeastern portion of Nueva Ecija (Gabaldon, General Tinio, City of Gapan, Peñaranda)
 eastern at central portions of Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Angat, City of San Jose del Monte)
 northeastern portion of Rizal (Rodriguez, City of Antipolo, Tanay, San Mateo, Baras)
 extreme northern portion of Laguna (Famy, Siniloan, Santa Maria, Pangil)

Signal number 3 sa:

 central portion of Aurora (Dipaculao)
 southeastern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte)
 natitirang bahagi ng Nueva Ecija
 Tarlac
 Natitirang bahagi ng Bulacan
 Pampanga
 Zambales
 Bataan
 Pangasinan
 Metro Manila
 Natitirang bahagi ng Rizal
 northern at central portions of Laguna (Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay, Magdalena, Santa Cruz, Pila, Liliw, Nagcarlan, Victoria, Rizal, City of San Pedro, City of Biñan, City of Santa Rosa, Cabuyao City, City of Calamba, Los Baños, Bay, Calauan)
 northeasternn portion of Cavite (Bacoor City, Imus City, Kawit, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, City of General Trias, Rosario, Silang)
 northern portion of Quezon (Infanta, Real, General Nakar, Mauban)
 northern portion of Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga)

Signal number 2 sa:

 southern portion of Isabela (Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones),
 Quirino
 Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
 Benguet
 La Union
 Nalalabing bahagi ng Aurora
 Nalalabing bahagi ng Cavite
 Batangas
 Nalalabing bahagi ng Laguna
 central portions of Quezon (Calauag, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Pitogo, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista)
 nalalabing bahagi ng Camarines Norte
 northern portion of Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Pili, Minalabac, Ocampo, Tigaon, Cabusao, Magarao, Gainza, Canaman, Camaligan, Milaor, Naga City, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagñay)
 Catanduanes

Signal number 1 sa:

 southern portion of Cagayan (Tuao, Solana, Enrile, Tuguegarao City, Iguig, Peñablanca)
 nalalabing bahagi ng Isabela
 southern portion of Apayao (Conner)
 Kalinga
 Abra
 Mountain Province
 Ifugao
 southern portion of Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos)
 Ilocos Sur
 Natitirang bahagi ng Quezon
 northern portion of Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz) including Lubang Islands
 northern portion of Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan)
 Marinduque
 Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
 Albay
 Sorsogon
 Burias Island
 Ticao Island

Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall ang Super Typhoon Karding sa hilaga ng Quezon o timog ng Aurora sa pagitan ng alas-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi.

Pero kung sa Polillo Island, magla-landfall ito ng mas maaga sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.

Martes ng umaga, nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility at tuluyang darating sa West Philippine Sea sa Martes ng gabi.

Facebook Comments