KAPULISAN SA REGION 2, HANDA NA SA PANANALASA NG BAGYONG KARDING

54
Nakahanda na ang bawat kasapi ng PNP sa Region 2 maging ang mga katuwang na Reactionary Standby Support Force (RSSF) at Search and Rescue team sa pagresponde sa magiging epekto ng pananalasa ng bagyo.

Ipinag utos na rin ni PRO2 Regional Director, PBGEN Steve B Ludan, ang pag imbentaryo sa mga Search and Rescue assets upang matiyak na sapat ang bilang ng mga kagamitan na gagamitin ng Rescue Team ng PRO2.

Kaugnay nito, pinaalalahan din ni RD Ludan ang mamamayan na makinig sa payo ng mga kinauukulan at manatiling updated sa mga ulat ng panahon.

Facebook Comments