Bahagyang humina ang Super Typhoon “Mawar” habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility.
Batay sa pinakahuling tropical cylone advisory ng PAGASA kaninang alas-11:00 ng gabi, huling namataan ang bagyo sa layong 1,475 kilometers Silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 205 kilometers per hour at pagbugsong 250 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Bukas ng umaga inaasahang papasok sa PAR ang Super Typhoon Mawar at tatawagin na bagyong “Betty.”
Magpapatuloy ang mabilis nitong pagkilos hanggang bukas at dahan-dahang babagal sa Linggo.
Sa Lunes, kikilos pa-Hilagang-kanluran ang bagyo sa katubigan ng Batanes kung saan hindi ito halos gagalaw.
Mananatiling itong Super Typhoon hanggang weekend pero may posibilidad pa rin na ito ay humina.