SUPERMARKET AT TINDAHANG MAGPAPATAW NG MATAAS NA PRESYO MULA SA ITINAKDANG SUGGESTED RETAIL PRICE NG DTI , PAPANAGUTIN!

Nagsagawa ang pamunuan ng Department of Trade and Industry Pangasinan ng monitoring sa ilang supermarket at groceries upang makita kung sumusunod ang mga ito sa itinakdang suggested retail price partikular sa mga presyo ng Noche Buena products.

Napansin umano ng pamunuan ang pagtaas sa presyo ng hamon ng aabot sa 5-12% ng hamon ngunit sa kabuuan ay sumusunod ang mga supermarkets sa lungsod ng Dagupan sa SRPs.

May nabigyan umano ang DTI Pangasinan ng letter of inquiry sa supermarket dahil naman sa mataas na presyo na kanilang ipinataw sa kanilang paninda mula sa itinakdang SRP.


Sinabi ni DTI Provincial Director Natalia Dalaten, pinagpapaliwanag na ang mga ito kung bakit mataas ang presyong ipinataw dito ngunit giit ng pamunuan ng supermarket ay nagkamali lamang ng nailagay na price tag.

Ibinabala naman ng ahensya na papanagutin nila ang mga mananamantalang mga tindahan o mga supermarkets. | ifmnews

Facebook Comments