Nananatiling matatag ang suplay maging ang presyuhan ng produktong bangus sa lalawigan ng Pangasinan, ito ang mariing inihayag ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan o SAMAPA.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay SaMaPa President Christopher Aldo F. Sibayan, ito ay sa kabila ng naranasang mga krisis sa bangus industry nitong mga nakaraang buwan tulad na lamang ng nagdaang mga bagyo.
Dagdag niya na hindi umano nakikita ang kakulangan ng suplay ng bangus sa susunod pang mga buwan.
Aniya, bagamat nararanasan sa ngayon ang malamig na panahon posibleng makaapekto sa paglaki ng mga isda ay hindi nito mapipigilan umano ang kabuuang produksyon.
Samantala, naglalaro sa P150 hanggang 170 ang kada kilo ng bangus sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨