Minomonitor na rin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang suplay ng asukal. Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo R. Serafica, isasagawa na rin ng kanilang ahensiya ang inspeksyon sa mga warehouse, kung saan tinitignan nila ang mataas na suplay na asukal.
Dahil nakikita nila na walang dahilan upang tumaas ang bentahan ng asukal lalo na sa mga palengke.
Sa ngayon, umaabot na sa 1.1 Milyon metre tans ang kasalukuyan imbak na asukal.
Hindi naman gumagalaw ang Build Gate Prices (BGP) kada sako ng asukal na nasa 1450 hanggang 1550 pesos pa rin.
Mababa rin ang presyo ng Build Gate Prices (BGP) ng asukal na maituturing na pinakamababa sa loob ng nakalipas na limang taon.
Facebook Comments