Total ban ng Chinese workers, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senator Nancy Binay ang total ban o pagbabawal sa mga manggagawang Chinese na makapagtrabaho sa ating bansa lalo na sa mga proyektong pang-impratraktura.

Ayon kay Binay, ito ay para maprotektahan ang kapakanan ng manggagawang Pilipino at matupad ang pangako ng administrasyon na pagbibigay ng trabaho mula sa Build, Build, Build progam.

Diin ni Binay, dehado ang mga manggagawang Pilipino sa polisiyang nakapaloob sa loan agreements natin sa China hinggil sa pagkuha ng mga Chinese workers.


Hindi katanggap tanggap para kay Binay ang katwiran na kailangan ng mga “Mandarin-speaking” Chinese laborers dahil puro Chinese characters ang nakasulat sa mga equipment.

Mungkahi ni Binay, kumuha na lang ng interpreter para maunawaan ito ng mga Pilipinong trabahador.

Facebook Comments