Sapat ang suplay ng asukal sa Pilipinas sa kabila ng pagsuspende ng operasyon ng ilang mga planta.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, sa mga sandaling ito ay sapat ang suplay ng asukal sa buong Pilipinas.
Nagkamali lang aniya ng pagtantiya ang ilang mga opisyal sa kanilang pagbibigay ng suplay o alokasyon ng suplay sa na gumagamit ng asukal kaya nagkakaroon problema.
Ito’y matapos magsuspende ng operasyon ang ilang mga planta ng softdrinks gaya sa bayan ng Calasiao sa sinasabing kakulangan ng suplay ng asukal.
Hindi rin aniya ito magiging hudyat ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain na may kinalaman sa paggamit ng asukal kagaya ng mga softdrinks. | ifmnews
Facebook Comments