Suplay ng baboy, isda at gulay, posibleng magkulang dahil sa banta ng La Niña

Dapat na matugunan ang inaasahang kakulangan sa suplay ng isda, baboy at gulay para mapanatiling matatag ang presyo nito sa gitna ng tag-ulan at banta ng La Niña sa produksyon ng pagkain sa bansa.

Base sa pagtaya ng Department of Agriculture (DA) noong kalagitnaan ng Hulyo, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maaaring magkaroon ng 199,344-metric ton (MT) deficit sa suplay ng baboy sa katapusan ng 2021.

Ito ay sa kabila ng 175.9 percent na pagtaas sa imports ng pork meat sa kalagitnaan ng taon.


Bukod dito, nakikita ring magkukulang ang produksyon ng gulay ng 1,267,804 MT at isda sa 135,135 MT.

Facebook Comments