Miss Universe 2018 Catriona Gray, tinanggap na ang sorry ni Gen. Parlade

54

Malugod na tinanggap ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang paghingi ng tawad ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflicts (NTF-ELCAC) )matapos ang isyu ng red-tagging.

Ito ay matapos iugnay ng Heneral si Catriona kasama ang ilan pang artista na sina Liza Soberano at Angel Locsin sa Gabriela.


Ayon kay Catriona, nagpadala ng isang sulat si Gen. Parlade kung saan humihingi ito ng tawad tungkol sa nangyari.

Nauna nang sinabi ni Catriona na hindi siya titigil sa paglaban sa karapatan ng kababaihan sa kabila ng narasanasang red-tagging.

Facebook Comments