Maaring magkulang umano ang supply ng karneng baboy sa darating na holiday season sa lalawigan ng pangasinan dahil sa kaso ng African Swine Flu o ASF.
Ayon kay Dr. Florentino Adame Chief of the Regulatory Division ng Department of Agriculture, sa ngayon ay negatibo parin ang bayan ng Mapandan na isa sa napaulat na may nakapuslit na karneng baboy mula sa Bulacan na apektado ng ASF.
Saad ni Adame wala pa umanong naitatalang mortalities ng baboy sa bayan ng Mapandan.
Samantala, ayon kay Rosendo So, SINAG chair na sapat umano ang suplay ng baboy sa lalawigan hanggang holiday season.
Ngunit ayon kay Adame ay hindi pa siguradong dapat ang suplay ng karneng baboy sa darating na holiday season dahil sa pagkalugi ng mga hog traders at pagdedeklara ng ilang mga bayan gaya ng Lingayen, San Carlos City, Mapandan at San Jacinto ng temporary ban.
Nangangamba din umano ang tao sa takot na kumain ng karne ng baboy dahil sa ASF
Sa ngayon ay hindi tumitigil ang Department of Agriculture sa pagsasagawa ng aksyon laban sa kaso ng ASF at hinihintay na lamang ang mga resulta ng blood samples sa isinagawang culling operation upang maideklara ng ASF free ang lalawigan.
Suplay ng baboy sa darating na holiday season sa Pangasinan, maaring magkulang
Facebook Comments