Suplay ng bakuna, sapat pa rin kahit aprubahan na ng FDA ang pagkakaroon ng 4th dose

Tiniyak ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na sapat pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa sakaling aprubahan na ng Food and Drug Administration ang pagkakaroon ng 4th dose o 2nd booster shot.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Cabotaje na walang problema sa suplay ng bakuna dahil marami pang stocks ng AstraZeneca, Sinovac, Pfizer at maging ng Moderna.

Ang hamon lamang sa ngayon ani Cabotaje ay maiturok ang mga bakuna upang maiwasan ang vaccine wasteage.


Sinabi pa nito na makapag-apply narin ang Department of Health (DOH) at mga vaccine manufacturers sa Food and Drug Administration (FDA) upang mapalawig ang shelf life ng mga napasong bakuna.

Kasunod nito, puspusan ang ginagawang kampanya ng pamahalaan para makumbinse ang ating mga kababayan na magpabakuna na lalo na sa mga rehiyon sa bansa na sadyang mababa ang vaccination coverage.

Mahalaga aniyang ang mga nakadalawang doses ng bakuna at lagpas na sa tatlong buwan matapos ang ikalawang dose ay maturukan ng booster shot sapagkat tuloy parin ang mutations ng virus.

Facebook Comments