Pulis, aksidenteng nabaril ang sarili habang nasa loob ng sasakyan sa Camp Crame

591

Patuloy na ginagamot ngayon sa Philippine National Police (PNP) General Hospital ang isang pulis matapos na aksidente nitong mabaril ang kanyang sarili habang nasa loob ng sasakyan sa First Level, Multi-purpose Parking, Camp Crame, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District kinilala ang biktima na si PSMS. Clifford Ventura nakatalaga sa Police Security Protection Group, Camp Crame, sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng PNP, nangyari ang insidente alas -10:15 ng umaga kanina.


Nakaupo raw sa passenger side ang biktima sakay ng Honda Civic na may plate number UKR -697 na minamaneho nang isang Police Chief Master Sergeant Dennis Venus na nakatalaga sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Venus, nakalagay sa kanyang bag ang baril ng biktima habang may hinahanap raw ito sa kanyang bag ay bigla itong pumutok.

Tinamaan ito sa kanyang kaliwang dibdib na agad naisugod sa emergency room ng PNP General Hospital.



Facebook Comments