SUPLAY NG BASIC NECESSITIES AND PRIME COMMODITIES SA PANGASINAN, NANANATILING MATATAG – DTI

Nananatiling matatag ang supply ng basic necessities and prime commodities sa Pangasinan, ayon sa Department of Trade and Industry.

Ayon kay DTI Pangasinan Director at Assistant Regional Director Natalia B. Dalaten, batay sa pinakahuling monitoring, may sapat na supply sa lalawigan kung saan ang ilang establisimyento ay may hanggang dalawang buwan pang buffer stock.

Kaugnay nito ay nananatili ring stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin na saklaw ng ahensya.

Paliwanag ng DTI, hindi basta-basta ang pagtaas ng presyo ng mga produkto dahil karamihan sa kanilang minomonitor ay processed at manufactured goods na may sapat pang stock.

Dagdag pa rito, kinakailangang magsumite muna ng notice of price increase ang mga establisimyento at may isang buwan ang ahensya upang ito ay pag-aralan bago maipatupad ang anumang taas-presyo.

Gayunman, maaari umanong maramdaman ang pagtaas ng presyo sa mga susunod na linggo o buwan kung magpapatuloy ang kasalukuyang sitwasyon.

Mula sa lingguhang monitoring, araw-araw nang binabantayan ng DTI ang galaw ng presyo ng mga bilihin sa lalawigan.

Hinihikayat naman ang publiko na agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng DTI para iulat ang anumang hindi patas na presyo ng mga pangunahing bilihin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments