Halos isang milyong sako ng bigas ang naipamahagi na ng National Food Authority o NFA sa mga warehouse sa buong Luzon.
Ayon sa NFA, maganda ang panahon nitong mga nagdaang araw kaya naibaba nila ang mga inangkat na bigas.
Sa taya ng NFA, nasa mahigit 380,000 sako ng bigas ang kanilang na-unload mula sa mga pantalan sa Maynila, Subic, La Union, Legazpi City at Batangas.
Tiniyak rin ng NFA na tuloy ang pagbaba ng mga inangkat na sako ng bigas bago mag-land fall ang bagyong Ompong.
Siniguro rin ng NFA na maraming stock pa ng bigas ang madadala sa mga bodega lalo na sa mga lugar na inaasahang maapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments