Hihilinging ng National Food Authority sa NFA council na payagan silang mang-angkat ng bigas ng mas maaga.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, nasira ng bagyong Ompong ang maraming palay.
Aniya, kailangan rin nilang paghanda ang nasa 4 hanggang 8 bagyo na sinabi ng pag-asa na maaring pumasok sa bansa ngayong taon.
Sabi ni Estoperez, 250 metric tons o limang milyong sako ng bigas ang pinapanukala nila sa NFA council na mai-angkat bago matapos ang 2018.
Bukod pa ito sa limang milyong sako rin ng bigas na target na mabili ng NFA Nobyemre a-30.
Sa ngayon ay mayroon ng 2.4 milyong sako ng bigas na naka-imbak sa mga bodega ng NFA sa buong bansa.
Facebook Comments