Suplay ng bigas, “most critical problem” ng bansa – PBBM

Suplay ng bigas ang pinaka-kritikal na problema ng bansa sa kasalukuyan.

Ito ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa harap ng mataas na presyo ng bigas.

“That’s something that we are attending to with all of the partners that we have, both in the government and in the private sector,” saad ni Marcos.


Una nang tiniyak ni Pangulong Marcos, na siya ring kalihim ng Department of Agriculture, na mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang presyo ng bigas.

Sa ngayon, batay sa price monitoring ng DA, naglalaro sa ₱41 hanggang ₱55 ang presyo ng kada kilo ng local regular-milled rice habang ₱45 hanggang ₱57 ang well-milled rice.

Samantala, inamin din kamakailan ng ilang opisyal ng DA na mahirap makamit ang ₱20 per kilo na bigas na ipinangako noon ng pangulo.

Isinisisi naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang talamak na smuggling ng bigas sa Rice Tariffication Law.

Habang sabi ni Senator Risa Hontiveros, ang nakaaalarmang pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil sa hindi maayos na pamumuno sa DA at ng National Food Authority.

Facebook Comments